Sunday, July 24, 2011

Marquez, Aira Joan E.                                                                                        Marka
Science                                                                                                                Hulyo 24 2011
Anino

Sa pagmulat ng mata / iyong maaalala,/
Di na mapipigilan / pag-agos ng ‘yong luha,/
Sapagkat lahat-lahat / ay di na mabubura,/
Ang sugat na mayroon / aninong nagkasala.//

Aninong nababalot / nitong dilim at lungkot,/
Sa iyong makikita / ikaw ay matatakot,/
Sa iyong maririnig / ika’y mangingilabot,/
Tuluyang mawawala  / pag-asang kakarampot.//

Ang mga magulang mo /ay may magandang plano,/
Ikaw ay pagtapusin / sa pagkokolehiyo,/
Nang ika’y magkaroon / ng magandang trabaho,/
Pagdatingng panaho’y / tuluyang umaseso.//

Ngunit lahat ng ito’y / di pinahalagahan,/
Ikaw ay nagpabaya / sa iyong pag-aaral,/
Nagkaro’n ng barkad / at mga kaibigan,/
Na nagturo sa iyo /ng mga kasamaan.//

Ngayo’y karga-karga mo / bunga ng lahat ng ‘to,/
Wala kang magagawa / kundi tanggapin ito,/
Sayang ang edukasyong / pinagkaloob sa ‘yo,/
Itong magandang buhay / na sana’y nakamit mo.//

Ang makulay na mundo’y / iyong tinalikuran,/
Ang magagandang aral / iyong kinalimutan,/
Naglakad sa daanang / walang patutunguhan,/
Ang iyong magulang /labis mo nang sinaktan.//

Sa kurtina ng gabi / dilim ang naghahari,/
Uupo sa ‘sang tabi / tahimik na hihikbi,/
Dahil itong aninong / puno ng pagsisi,/
Magnanais ituwid / naging pagkakamali.//

Aninong buong buo / sa likod ng liwanag,/
Walang nang magagawa / tunay na walang takas,/
Tanikalang sa iyo / ay di na matitinag,/
Ngunit lahat gagawin /upang ito’y lumuwag.//


Titibayan ang loob /at siya’y muling tatayo,/
Lahat ng kanyang takot / ay muling maglalaho,/
Matindi man ang dilim / siya’y di papatalo,/
Muli n’yang haharapin / itong tunay na mundo.//

Sa pagsikat ng araw / pag-asa’y makakamtan,/
Itong isipang tangan / kanya muling bubuksan,/
Lahat ng naransan / ang s’yang magiging ilaw,/
Upang ang kagandahan /kanya muling mamasdan.//

Monday, February 14, 2011

A Life-changing Name


        Everyone of us knows that blog's name is a very important thing we have to consider in creating a blog. Blog's name gives the reader an idea or background information about the contents of the blog. It will serves as a reflection of ourselves that's why we have to be very careful in doing that. In that situation we have to be wise.

        I choose "One's InspAIRAtion" because the word inspiration is a very important piece or part of my life. I want to share my stories and my ideas to the readers. I want them to learn something from it no matter how it good or simple. I want them to realize how lucky they are because they have their inspirations.
  
        I consider the most important things or people in my life as my inspirations. I'm studying very hard because of them. I want them to be proud of me and I want them to be happy. They give me hope and strength. They encourage and push me to do the best thing I can no matter how hard it is. I learned that when challenges come, L must not quit because challenges are given by God to teach us lessons. They make me believe that nothing is impossible if you put your heart and mind to it. I am everything I am because of them and I owe them a lot.
    
        I hope that this will help us to be strong in a way that we should not be afraid to commit mistakes but to do the best we can.

Ang Malakidlat Na Paglalakbay Ni Percy Jackson

           Ang "lightning bolt" na pag-aari ni Zeus, diyos ng lahat ng mga diyos, ay nawawala at ang tanging inaakusahan nito ay ang anak ni Poseidon, si Percy Jackson. Binigyan lang niya ito ng labing-apat na araw upang maibalik ang "lightning bolt" at kung hindi'y magkakaroon ng labanan sa pagitan ng magkapatid, si Zeus at si Poseidon. 
     
        Samantalang ang binatilyong si Percy ay bumisita sa "The Museum of Metropolitan of Art" kasama ang kanyang mga kamag-aaral. Inatake siya roon ng isang galit na halimaw na nagpapanggap bilang kanyang guro. Inilahad naman  sa kanya ng kanyang kaibigan na si Grover na siya ang kanyang tagapagligtas kasama si Mr. Brunner at  hindi siya pangkaraniwang tao. Siya ay kalahating tao at kalahating diyos. binigyan siya ni Mr. Brunner ng isang panulat na magsisilbi niyang sandata. 
    
    Dali-dali siyang punta sa bahay nina Percy upang puntahan ang kanyang butihing ina, si Sally. Magkakasama silang pumunta sa "Camp Half-Blood" kung saan siya magsasanay. Ngunit sa kasamaang-palad, inatake ni Hades ang ina ni Percy at nawala bago pa niya ito mailigtas.
      
      Sa kampo, nalaman niyang si Grover ay kalahating tao , kalahating kambing at nakilala niya roon ang isang kabigha-bighaning dalaga, si Annabeth. Anak siya ni Athena. Naglaban si Percy at si Annabeth  bilang pagsasanay. Nadiskubre niya roon na ang tubig ang kanyang lakas at kapangyarihan dahil noong nasugatan siya ni Annabeth, gumapang siya sa tubig at naghilom ang kanyang mga sugat. Inatake sila doon ni Hades at gusto nitong makuha ang "lightning bolt" mula sa kanya. Nalaman niyang buhay pa ang kanyang ina at ito ay nasa impyerno kasama ni Hades. nagdesisyon si Percy kasama sina Grover at Annabeth na maglakbay upang hanapin ang "lightning bolt" at sagipin ang kanyang ina. At upang magawa nila iyon, kailangan nila ang tulong ni Luke. Ibinigay  nito sa kanya ang mapa at ang lumilipad na sapatos. Sinabi nitong madaling makapasok sa impyerno ngunit mahirap makalabas kaya kailangan nila ng tatlong perlas upang magawa iyon.
         
         Ang unang perlas ay nakuha nila kay Medusa, ang babaeng isinumpa ni Athena at ang bawat matitigan nito'y nagiging bato. Ang ikalawang perlas ay nakuha nila sa rebulto ni Athena ngunit inatake sila ng dragon. Sa tuwing pinuputol nila ang ulo nito ay lalo itong dumadami. Natalo nila ito gamit ang tubig at naging bato ito ng itapat nila ang ulo ni Medusa. At ang ikatlong perlas ay nakuha nila sa "Cassino" kung saan muntik na nilang malimutan ang kanilang misyon dahil labis silang nalibang. Nang makuha na nila ang tatlong perlas, nagtungo sila sa "Hollywood", ang daan patungo sa impyerno. 
           
        Nakilala nila sila Hades sa impyerno at ipinaliwanag ni Percy na hindi siya ang nagnakaw ng  "lighning bolt". Nabawi niya ang kanyang ina ngunit nalaman nila doon na nasa kalasag ni Percy, na ibinigay ni Luke, ang "lightning bolt". Nakuha ito ni Hades. Kinalaunan ay napasakay ito ni Stephanie, ang kasama ni Hades sa impyerno. Ginamitan niya  ng “lightning bolt” si Hades at ibinigay itong muli kay Percy. Gamit ang tatlong perlas, nilisan nila ang impyerno kasama si Sally ngunit naiwan naman si Grover dahil kulang na ng isang perlas.
            
         Nang makabalik na sila, nakalaban ni Percy si Luke, ang totoong may salarin sa pagkawala ng "lightning bolt". Ginamit ni Percy  ang kanyang lakas at natalo niya ito. Nagtungo siya sa langit kasama si Annabeth upang ibalik ang “lightning bolt". Hiniling niya kay Zeus na ibalik si Grover. Nakausap din niya ang kanyang ama at naging maayos na ang lahat sa pagitan nila. 
             
        Sa huli ay inihatid na si Percy ng kanyang ina sa "Camp Half- Blood". Iyon ang lugar para sa kanya dahil doon siya nababagay. Masaya siyang pumasok doon. At iniwan na rin ng kanyang ina ang walang-puso nitong niyang kinakasama.

Proud To Be A Responsible Netizen

      How do computers help us? As a computer user, what are our responsibilities?
  
      Nowadays, we can say that computer is a very important thing in our modern life. A computer can gather a wide range of information for many purposes. It makes our lives easier and livelier. It entertains us and it makes the communication easier. It is also a very important tool in business and in industry.

      As a computer user, it is our responsibility to and to manage the computer wisely. Once we did not do our job, everything might be destroyed. Your respect to others and most especially to yourself will be vanished. If you really love yourself, then you won’t do anything that will lead you to bad things and to a miserable life. 

      I am proud to say that I’m a responsible bedizen in a way that I use the computer in a proper way. I don't abuse its power. I use it to enhance my knowledge and to improve my skills. I enjoy learning using the computer. It's my honor to have the privilege to be one of the computer users in this generation.
          
     We have to strive hard and do our best to do our responsibilities. Everything is in your hand that’s why you have to be responsible. Computers are helpful if you use it in an excellent way and it is dangerous if you use it in a terrible way.

Ang Orasan

      Nagmamadaling naghanda si Kierr. Tiyak na mahuhuli na naman siya sa klase dahil gabi na siyang nakatulog. Tinapos pa kasi niya ang lahat ng kanyang mga proyekto na kailangan ng ipasa kinabukasan. Nang makarating na siya sa kanilang simpleng paaralan, nakasalubong niya ang kanilang punong-guro. Nagmamadali man siya ay buong-paggalang na binati niya ito. 
      
       Papasok na siya sa kanilang silid-aralan nang mapatapat siya sa "compuer room" ng kanilang paaralan. Napansin niyang bukas ang pinto nito. Bigla niyang naalala ang napanaginipan niya na may makikita siyang isang bilog at kulay itim na orasang nakasabit sa ding-ding na malapit sa pisara at maari niyang baguhin ang oras kung gugustuhin niya. Pumasok siya doon at isinara niya ang pinto upang walang makakita at makapansin   sa kanya. 
          
        Laking-gulat ni Kierr nang makita nga niya ang orasan. Kumuha siya ng upuan upang maabot iyon. Nang mapasakamay na niya ang orasan ay lumitaw ang  isang matandang lalaki sa harapan niya at pilit na inaagaw ang  orasan ngunit hindi siya nagpatalo. Gamit ang kanyang lakas, inagaw niya ito at  mabilis na binago ang oras katulad rin ng napanaginipan niya.
               
     Napunta siya sa loob ng kanilang silid-aralan at nalaman niya na "periodical test" na nila sa lahat ng asignatura at wala pa siyang naaaral. Ginamit niya ang orasan  upang makatakas sa pagsusulit. At simula noon ay palagi na siyang tumatakas sa klase. Hindi na rin siya gumagawa ng mg proyekto. Nalibang na siya sa paglalaro ng mga "computer games". 
           
        Isang umaga, nakita niyang dumaan ang kaibigan ng pinsan niya sa kanilang bakuran. Naalala tuloy niya ang pangarap niyang maging isang magaling na "computer programmer". Gusto na niyang makapagtrabaho agad at ayaw na rin niyang mag-aral.Naisip niya ang orasan.
      
        Nakarating siya sa kanilang paaralan, ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Malaki na ang ipinagbago nito. Mas  maayos at mas malinis na ito. Nadagdagan na rin ang mga silid-aralan. Marami na ring mga libro sa mga silid-aralan at iba pang mga kagamitan na kailangan ng paaralan.
              
        Biglang may narinig siyang tumawag ng kanyang pangalan. Nang lingunin niya ito'y may nakita niya ang isang makisig na lalaking papalapit sa kanya. Sa pananamit at sa itsura nito'y makikita na isa itong kagalang-galang na tao. Namukhaan niya ito . Ito ay si Miel, kakalase niya. Isa itong masipag at matalinong bata. Tahimik lamang din ito sa klase na animo'y may sariling mundo kaya hindi siya masyadong malapit dito.              
            
         Kinausap siya nito tungkol sa maayos niyang trabaho. Noon lamang niya nalaman na may hawak siyang walis at pandakot dahil nalibang siya sa pagmamasid sa paaralan. Siya pala ang "janitor" ng paaralan nila. Malayung-malayo sa pinapangarap niyang trabaho. At dahil dito'y natatakbo siya.
              
       Hinanap ni Kierr ang orasan at natagpuan naman niya ito sa "computer room". Hindi na naman niya naiwasang mamangha. Marami na rin itong ipinagbago. Naging mas malawak na ito at nadagdagan na rin ang bilang ng mga "computers". Kinuha niya ito at pilit niyang binabago ang oras ngunit walang nangyayari. Muli'y nagpakita sa kanya ang matanda. Sinabi nitong makakabalik siya ngunit may kondisyon. Kailangan niyang mapigilan ang  dalawampung bata sa pagliban sa klase dahil kung hindi"y hindi na siya makakabalik pa.

         Bago matapos ang hapong iyon ay halos makumpleto na niya iyon at isa na lamang ang kulang. Habang naglalakad-lakad siya ay may nakita siyang isang grupo ng mga estudyante sa  "Grandstand ng paaralan. Narinig niya ang balak ng mga itong lumiban sa klase at magpalipas ng oras sa "computer shop". Nagtatakbo ang mga ito nang makita siya at ang tanging natira lamang ay ang isang binatilyong lalaki na animo'y kakambal niya. Tinawag siya nitong "Itay". Naisip niya na maaaring ito ang kanyang anak. Nilapitan niya ito at ipinaliwanag niya ang mga maaaring mangyari kung hindi siya mag-aaral ng mabuti. Niyakap siya nito at nagpasalamat sa kanyang mga paalala. Inihatid pa niya ito sa sasususnod nitong klase.

         Nang makabalik na si Kierr, binago niya ang buhay niya. Maaga na siyang pumapasok at pinagbutihan na rin niya ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya ng may karangalan. At pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang magaling na "computer teacher" sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School, ang paaralang naging bahagi na ng kanyang buhay at talaga namang kanyang minahal. Hinding-hindi niya malilimutan ang kakaiba niyang karanasan sa paaralang ito.
              
              

An Instrument of Thy Peace


           Joel Francia’s story is a wonderful one. He is an intelligent person who dreamed to be a successful painter. During his college years, as he narrates it now, he also lived an untamed and an unpardonable life of parties, cigarettes, and alcohol. As years past by, he noticed that his life is colorless even if his paintings are colorful, so his dreams begun to disappeared until he met “God”, his strength and his inspiration.

      
        It was 1990 when he decided to conduct an exhibit for his paintings. He met Rachelle there, one of his friend’s cousins. They went in a restaurant for a celebration. When they talked to each other, Rachelle mentioned things about the Bible and he became interested about it. After their conversation, and he begun studying the Bible. He felt God’s love for the first time. He felt that sense of forgiveness pour over him.
      
          He begun to see the true meaning of life and must have heard the message that he give value for his being. That’s when he decided to be a volunteer as a Bible lecturer and to be an instrument of thy peace.
                                                                          

Ang Unang "Juniors and Seniors Promenade" Ng Buhay Ko

        Ano kaya ang pakiramdam ng dumadalo sa "Juniors and Seniors Promenade"? Masaya kaya iyon? Ano kaya ang magiging itsura ko? Sinu-sino kaya ang magsasayaw sa akin?

        Ayan ang ilan sa mga katanungan ko noong hindi pa ako dumadalo sa "JS Prom". Nakikita ko kasi noon ang aking kapatid kapag dumadalo siya dito. Ang ganda-ganda ng kanyang suot. At kapag dumarating naman siya ay nagkukwento kaagad siya.
  
      Ngayong naranasan ko nang dumalo sa "JS Prom" masasabing kong masaya nga  ito. Lalo na at kakaiba ang tema ng paaralan namin para sa taong ito (Hawaiian). Lahat kami ay obligadong magsuot ng Hawaiian na damit.  At katulad ko, masasabl ko ring pinaghandaan ito ng mga guro at ng mga kamag-aaral ko. Maganda at kakaiba ang "venue" dahil sinunod ito sa tema. Marami ngang nagsasabing pakiramdam nila ay nasa Hawaii sila. Kakaiba rin ang mga kanta, lalong -lalo na ang mga "love songs" na mararamdaman mo talagang mula sa puso. Mayroon ding  inihandang mga kanta at sayaw, gaya ng "fire dancing" na talaga namang nakakaaliw at ang pinakagusto ko sa lahat ay ang pagsasayaw ng mga guro namin. At kahit gabi iyon ay hindi ako nakaramdam ng pagkaantok.

      Ang karanasang ito ay hindi ko malilimutan. Masasabi kong isa na rin ito sa aking mga kayamanan na kahit kailan ay hindi mananakaw ng sino man. Labis akong  nagpapasalamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makasali dito.

     Umaasa ako na sa susunod na taon ay makasali ulit ako dito.